Inilunsad kahapon nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang QC Human Milk Bank sa Quezon City General Hospital para matiyak na magiging malusog ang mga sanggol sa lungsod.

Layunin ng human milk bank na makapagkaloob ng libreng gatas ng ina para sa mga sanggol sa Quezon City at sa mga karatig lungsod sa tulong at suporta ng mga inang may maraming gatas at libre nila itong naibibigay sa milk bank.

“May mga ina na hindi makapagbigay ng kanilang gatas at para mapunan ang kailangang sustansiya ng isang sanggol mula sa gatas ng ina ay maibibigay ito sa kanila ng milk bank,” pahayag ni Mayor Bautista.
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’