Sa lumalagong pambansang interes sa nalalapit na 2016 presidential elections, kailangang resolbahin ng gobyerno ang lahat ng tanong tungkol sa integridad ng elections results sa ilalim ng automated system gamit ang Precinct Counting Optical Scan (PCOS) system na ginamit sa dalawang huling eleksiyon.

Mariing tinutulan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga panawagan na ibasura ang PCOS system, gayong sumang-ayon naman ito na subukan ang karibal na automated system – ang Direct Recording Electronic (DRE) system. Sinabi noong isang araw ni Sen. Aquilino ”Koko” Pimentel III na huwag nang ituloy ang planong subukan ang DRE system na sinasabing tatlo o apat nabeses na mas mahal kaysa PCOS system at, higit sa lahat, ito ang least transparent sa lahat ng kasalukuyang automated system.

Transparency ang nananatiling mahalagang isyu sa election automation. Maging PCOS o DRE o iba pang automated system, maaaring manipulahin ng mga ekspertong operator ang automated machines. Sa dalawang huling eleksiyon, naglaan ng mga safeguard, ngunit hindi naman inilagay ang mga ito.

Ang resulta: May ilang election returns and hindi kapani-paniwala – natalo si presidential candidate Erap Estrada sa San Juan City noong 2010, halimbawa. May ilang resulta ang kahina-hinala – ang 60-30-10 percentages ng mayorya, minorya, at independent senatorial candidates sa maraming lugar sa bansa noong 2013.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Upang maibalik ang transparency sa mga eleksiyon, inulit ni dating Comelec Commissioner Gus Lagman ang isang proposal ng maraming election watchdog organization para sa isang hybrid form ng voting system – ang manu-manong pagbibilang na may automated canvassing. Sa ganitong paraan, makikita mismo ng mga botante ang pagbibilang ng mga boto sa precinct level. Ang canvassing – ang pagsasama-sama ng mga precinct votes sa munisipyo, at ang pagsasama-sama ng mga boto sa national center para sa national candidates – ay maaaring magpatuloy tulad ng dati, gamit ang PCOS machines.

Ang hybrid system proposal na ito ang matagal nag tintututulan ng Comelec dahil taliwas ito sa Automated Election System law. Sabi ni Senator Pimentel na ang kanyang Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System ay pag-aaralan ang mga anggulong legal ng proposal na ito para sa isang hybrid system.

Mula noong 2010, ang Automated Election System na binubuo ng citizens groups – religious leaders, computer professionals, communications experts at mga mag-aaral– ang kumuwestiyon sa reliability, accuracy, at credibility ng automated elections na ipinatujpad noong 2010 at 2013. Kung nararapat, kailangan ang isang batas na magpapahintulot sa isang hybrid elections system, at marapat na gumawa ng agarang hakbang ang ating mga leader sa Kongreso upang ipasa ang naturang batas. Hindi dapat magpatuloy ang status quo.