Maaaring humirit ang gobyerno ng mas malaking budget para sa conditional cash transfer (CCT) program sa susunod na taon upang matugunan ang inflationary pressure sa welfare program.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma na hindi na kailangang i-review at i-adjust ang mga epekto ng inflation sa budgetary requirements ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Naunang sinabi ni Social Welfare Secretary Corazon Soliman binura ng mas mataas na presyo ng mga pagkain ang ng epekto ng cash grants na ipinagkakaloob sa pinakamahihirap na pamilya sa bansa sa ilalim ng CCT program. Ang maximum P1,400 na ibinibigay sa mga maralitang pamilya ay iniulat na nagkakahalaga na lamang ng P800 kapag in-adjust sa inflation.
Sang-ayon si Soliman na kailangang taasan ng gobyerno ang cash grant na ipinagkakaloob sa mga benepisyaryo ng CCT upang makakaagapay sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain. Sa ilalim ng P2.606-trillion national budget ngayong taon, naglaan ang gobyerno ng P62.3 billion para suportahan ang 4.3 milyong mahihirap na pamilya. - Genalyn Kabiling