Marso 24, 1989 nang nagdulot ang oil tanker na Exxon Valdez ng malawakang oil spill matapos itong sumadsad sa bahura sa Prince William Sound sa Alaska. Nakulapulan ng makapal na langis ang mahaba at dating walang bahid na pampang, at maraming lamang-dagat ang namatay.
Nabutas ang katawan ng barko. May kakaunting dispersants, na nakabawas sana sa tumagas na langis at hindi naging epektibo ang mga ginamit na kemikal. Hindi naman agad na nagamit ang mga boom at skimmer pagkatapos ng oil spill.
Kayang magkarga ng 200,000 tonelada ng crude oil, ang barko ay pinangangasiwaan ng crew na may 20 tripulante. Ipinangalan ito sa isang pantalan sa Alaska.
Ilang sandali makalipas ang hatinggabi noong Marso 24, dumaan ang barko sa isang makitid na shipping lane sa pagitan ng Busby Island at Bligh Reef, at nagkaroon ng kalituhan kung alin ang tatahakin.
Halos 30 milyong gallon ng langis ang tumagas at kumalat sa mga sumunod na linggo.