Ibebenta na sa publiko ang coco levy fund, partikular ang shares sa United Coconut Planters Bank (UCPB), San Miguel Corp. (SMC) at Coconut Industry Investment Fund (CIIF) Oil Mill Group, iniulat ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ito, ayon sa PCGG, ay matapos maglabas ang Pangulong Aquino ng executive order na nagpapahintulot sa pagsusubasta sa naturang ari-arian upang magamit ang pondo sa pagpapabuti sa industriya ng pagtatanim ng niyog.

Nabatid na kailangan ng approval ng Kongreso, sa pamamagitan ng ipinasang batas, para maging legal at maayos ang bentahan.
National

'Napakairesponsable!' Sen. Risa, pinalagan 'designated survivor' remark ni VP Sara