Carla Abellana

Ni NITZ MIRALLES

SI Carla Abellana ang iniharap ng GMA Network sa reporters kahapon sa board room pagkatapos pumirma ng three-year contract.

Para sa bagong kontrata, teleserye ang unang gagawin niya sa Siyete na planong ipalabas this summer. May inihahanda ring current affairs show na iho-host niya sa GMA News TV.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Nagkaroon ng tsika dati na baka lumipat si Carla sa Dos. Ibig sabihin, hindi iyon true.

Pagkatapos pumirma ni Willie Revillame ng “airtime agreement” sa GMA last week, balitang may pipirma uling malaking personalidad, kaya nang magpatawag ng press briefing kahapon ay marami ang nanghula na baka si Ai Ai de las Alas ang ipapakilala ng GMA execs.

Ayon sa GMA staff na nakausap namin, “wala pa”. So, ibig sabihin, “darating” sa kanila si Ms. A.

Totoo kung ganoon ang usap-usapan na magiging Kapuso na rin ang Comedy Queen. Hindi sumasagot si Ai-Ai ‘pag tinatanong tungkol dito, nagiging pipi siya ‘pag ito ang isyu, kaya abangan natin kung siya na nga ang susunod kay Willie na babalik sa Kapuso Network.

May info rin kaming nakuha na may story conference din ang Let The Love Begin kahapon kaya tuloy pa rin ang espekulasyon na baka nasa GMA compound si Ai Ai. Bida sa show ang mga bagets na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, pero kasama raw sa cast sina Ai-Ai, Regine Velasquez, Ariel Rivera at Gina Pareño.

Kung present si Ai-Ai sa storycon at kahit hindi pa siya nakapipirma ng kontrata sa istasyon, ibig sabihin, kasama na siya sa cast ng Let The Love Begin. Si Gina Alajar ang director ng Let The Love Begin na ipapalit sa Once Upon A Kiss.

Napansin namin, hindi kinokontra ni Ai-Ai ang followers niya sa Instagram na natutuwa sa balitang lilipat siya sa GMA-7. “Salamat” ang sagot niya sa isa niyang followers na nagsabing mapapanood na rin siya kung totoo ngang lilipat na siya ng network.

Samantala, pinasaya ni Ai-Ai ang members ng DLSU Lady Spikers nang i-treat niya ang buong team ng dinner last week. Para mabuo ang kasiyahan ng grupo, dinala rin niya ang mga ito sa Zirkoh Morato para manood ng show.