JayR

NAPANOOD na namin sa wakas ang Your Face Sounds Familiar noong Sabado at Linggo at totoong nakakapukaw ng atensiyon ang show. Kaya naman pala usap-usapan ito ng halos lahat ng televiewers.

Noong Sabado ay hinangaan namin si Jay R bilang si Stevie Wonder na gayang-gaya at kaboses pa. Stand out siya kumpara kina Jolina Magdangal na ginaya si Sampaguita, Tutti Karingal bilang si Adam Levine, Melai Cantiveros as Britney Spears at ginaya naman si Ms. Pilita Corales ni Maxene Magalona.

Pero napa-wow kami nang mapanood namin sa Sunday episode ng YFSF si Karla Estrada bilang si Chaka Khan sa awiting Through The Fire, doon lang namin nalaman na mataas pala boses ng mama ni Daniel Padilla.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Kaya standing ovation ang ibinigay sa kanya ng jury na sina Jed Madela at Sharon Cuneta samantalang nalaglag naman daw sa kinauupuan niya si Gary Valenciano. Kaya taob si Stevie Wonder kay Chaka Khan, pero hindi naman siya binigyan ng mataas na boto nina Jed at Gary V at si Sharon lang ang nagbigay ng perfect 8 kaya tumabla ang singer/actress kina Jay R at Nyoy Volante na si Yoyoy Villame naman ang ginaya.

At ang humatak nang husto kay Karla para manalo ay nang bigyan siya ng mataas na score ni Nyoy.

In fairness, gustung-gusto rin namin si Nyoy dahil kuhang-kuha niya ang mga kilos, galaw at boses ni Mang Yoyoy.

Hindi type ng mga kasama namin sa bahay si Nyoy maski na maganda ang boses, pero nang mapanood nila bilang si Yoyoy ay napahanga sila nang husto.

Mahusay sumayaw si Edgar Allan Guzman, pero sad to say, hindi niya nagaya si Gary V pati boses.

Nagtanong kami sa taga-ABS-CBN kung kumusta ang ratings ng Your Face Sounds Familiar, “Mataas at binati ng management ang buong team, ang ganda raw.  Another viewing habit ‘pag weekends.”

Sulit ang hirap ng grupo ng business unit head na si Lui Andrada. Bongga si Lui, after YFSF ay ang Gandang Gabi Vice naman na mataas ang ratings at money-maker pa ang kasunod.Sabi nga ni Lui sa amin nang makatsikahan namin, “It’s a group effort, at hindi naman magiging successful ang shows namin kung hindi dahil sa mga staff na magagaling, masisipag at mababait pa.”  

‘Yun o!