Nagpalabas na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng mga bagong regulasyon na nagbibigay-linaw sa batas sa pagtataas ng tax exemption sa bonus o ang 13th month pay na tinatanggap ng mga empleyado mula sa kanilang employers mula sa P30,000 sa P82,000.

Iginiit ni BIR Commissioner Kim S. Jacinto-Henares na saRevenue Regulations No. 3-2015 na ipinalabas noong isang linggo, ang basic salary at regular na allowances ng mga empleyado ay bahagi ng gross income na papatawan ng income tax.

Naglabas ang pinuno ng BIR ng mga regulasyon upang mabigyan ng gabay ang revenue officials at mga employer kung paano kukuwentahin ang mas mataas na tax exemption na nakasaad sa RA 10653.

“The amount of P82,000 shall apply on the 13th month pay and other benefits pair or accrued beginning January 1, 2015,” saad ni Henares sa kanyang two-page guideline. “In no case will it apply to other compensation received by employees under the employee-employer relationship.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Henares na para sa epektibong implementasyon ng mga regulasyon, kailangang siguraduhin ng mga employer ang tamang pagkuwenta sa year-end adjustments na nakasaad sa Certificate of Compensation/Tax Withheld o BIR Form No. 2316.

Ang form ay dapat ibigay ng employer sa empleyado bago o sa mismong araw ng Enero 31 ng susunod na taon.

Kung ang empleyo ay tinapos bago ang pagsasara ng calendar year, ang empleyado ay agad na bibigyan ng kanyang bagong employer ng nakumpletong BIR form galing sa dating employer para sa pagkuwenta ng withholding tax ng kanyang regular na sahod at kasunod na year-end adjustment. - Jun Ramirez