Angel Locsin

STAR-STUDDED ang binyag ng pangalawang anak nina Dimples Romana at asawang si Boyet Ahmee na si Alonzo Romeo Jose noong Sabado. Pinangunahan ni Kris Aquino ang mga ninang at kabilang din sina Anne Curtis, Nikki Valdez, Julia Montes, Thess Gubi at Angel Locsin.

Kabilang naman sa mga ninong sina Xian Lim, Matteo Guidicelli at Phil Younghusband. Present din si Luis Manzano, pero sinamahan lang yata nito si Angel.

Natuwa ang hanggang ngayon ay fans pa rin nina Angel at Phil dahil kahit break na ang dalawa, magkumpare at magkumare naman daw. Hindi nga lang nagkita sina Angel at Phil dahil ayon sa report, hindi sila sabay dumating. Kung nag-iwasan ang dalawa, hindi natin alam. Wala ring picture na magkasama ang ex-couple, may picture si Angel with the other godparents at ganoon din si Phil.

National

Bagyong Carina, bahagya pang lumakas habang nasa PH Sea

Ang posibleng pagkikita-kita nina Angel, Luis at Phil yata ang tinukoy ni Luis sa sagot nito sa pasasalamat ni Dimples na “No problem, kahit na worried ka kanina, ha-ha-ha-ha-ha, praning.”

Phil Younghusband

Wala ring dapat ikabahala ang fans nina Matteo at Sarah Geronimo na naniniwala sa pamahiin na ang magkasintahan na magkatuwang sa pag-aanak sa binyag ay hindi nagkakatuluyan. Si Matteo lang ang nag-anak sa binyag, isinama lang niya si Sarah.

Ikinatuwa at nagpasalamat si Dimples sa sinabi ni Kris na, “We all made the effort to be there in the Church because Dimps is really one of the consistently nicest girl I’ve ever gotten to know.” --Nitz Miralles