Ang bilang ng mga Pilipino na pabor sa legalisasyon ng diborsiyo ay nadadagdagan sa paglipas ng mga taon, anim sa 10 Pilipino ang sumusuporta sa legalisasyon nito, base sa huling resulta ng mga survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang nationwide survey ay isinagawa noong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1, 2014 at 60 porsiyento ng Filipino adults ang pabor sa legalisasyon ng diborsiyo, 38 porsiyento ang “strongly” na pumapayag at 22 porsiyento ang “somewhat” na payag.

Samantala, 29 porsiyento ang hindi sumang-ayon, kung saan 8 porsiyento ang “somewhat” na hindi pumayag at 21 porsiyento ang “strongly” na hindi payag sa proposisyon.

Naglalagay ito sa net agreement sa “malakas” na +31.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sinabi ng SWS na ang kasalukuyang porsiyento ng mga Pilipinong pabor sa legalisasyon ng diborsiyo ay mas mataas sa 50 porsiyento noong Marso 2011 at 43 porsiyento noong Mayo 2005.

Inilarawan nito ang divorce bilang “married couple who have already separated and cannot reconcile anymore so that they can get legally get married again.”

Noong Marso 2011, ang proposisyon ay nagkaroon ng 50 porsiyentong agreement, habang ang disagreement ay nasa 33 porsiyento. - Ellalyn B. De Vera