Ni MAR SUPNAD

SAMAL, Bataan- Dahil sa panandaliang aliw, nakakkulong ngyaon ang tatlong kabataan matapos gahasain ang isang dalagita na kinunan pa ng video habang isinasagawa ang krimen sa bayan na ito kamakailan.

Kinilala ni Chief Insp. Rommel C. Labanan ang mga naaresto na sina Jerome Decena, Bryan Manuyag at isang menor de edad. Ang tatlo ay dinampot ng awtoridad sa kanilang tahanan base sa arrest warrant na inilabas ng korte.

Bukod sa kasong rape, nahaharap din sa kasong paglabag sa Republic Act 9775 o Anti-Child Pornography Act ang tatlong suspek matapos nilang i-record sa video camera habang salitan nilang hinahalay ang biktima sa isang bahay sa Barangay San Juan sa Samal.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang mga suspek kasama ang kanilang biktima nang biglang pinagtulungan ng tatlo na halayin ito.

“Habang pinipilahan ng mga suspek ‘tong biktima ay kinukunan naman daw ng video ang kanilang ginagawa ng isang babaeng kasama ng biktima na noon ay lasing din,” ayon kay Labalan.

Ilang taon lang ang nakararaan, pinilahan din ng isang grupo ng high school student ang kanilang kaklase matapos itong malasing sa alak.