TOKYO (Reuters)— Sinabi ni Indonesian President Joko Widodo na ang pag-aangkin ng China sa halos kabuuan ng South China Sea ay walang “legal foundation in international law,” iniulat ng pahayagang Yomiuri ng Japan.

Ang mga komento, sa isang panayam na inilathala noong Linggo bago ang mga pagbisita sa Japan at China ngayong linggo, ay ang unang pagkakataon na nanindigan si Widodo, naupo sa puwesto noong Oktubre, sa iringan sa South China Sea.

Ang Indonesia, ang pinakamalaking bansa sa Southeast Asia, ay naging self-appointed broker sa agawan sa teritoryo ng kanyang mga katabing bansa at ng China dahil sa South China Sea.

“We need peace and stability in the Asia-Pacific region. It is important to have political and security stability to build up our economic growth,” ani Widodo sa English version ng panayam na inilathala noong Lunes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“So we support the Code of Conduct (of the South China Sea) and also dialogue between China and Japan, China and ASEAN.”