Mga laro ngayon: (JCSGO Gym)

1 p.m. Café France vs. Tanduay Light

3 p.m. Hapee vs. Jumbo Plastic

Makisalo sa maagang pamumuno ang tatangkain ng Tanduay Light habang sasalang naman sa unang pagkakataon ang reigning Aspirants Cup champion na Hapee sa pagpapatuloy ngayon ng 2015 PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Quezon City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dinurog noong Huwebes ng Rum Makers ang nakatunggaling Jumbo Plastic,79-61, para simula ang kanilang kampanya ngayong season-ending conference.

Makakaharap ngayon ng Fresh Fighters ang Jumbo Plastic sa ganap na alas-3:00 ng hapon.

“We feel the frustrated last conference and the boys think we really need to bounce back,” pahayag ni Tanduay coach Lawrence Chongson.

Gayunman, simula pa lamang aniya ito ng mahaba pa nilang susuunging laban, ayon kay Chongson, kaya naman ay dapat lagi silang maging handa sa bawat laro, partikular sa mga malalakas na koponan na gaya ng susunod nilang kalaban na Café France.

“This will be another tough test for us. We just caught Jumbo at a time that they still have’t adjusted with their new players. But against Café France, it will be a different story,” ayon pa kay Chongson.

Sa panig naman ng kanilang kalaban, sigurado namang maghahabol ang tropa ni coach Egay Macaraya upang makabawi matapos ang 85-86 pagkatalo sa kamay ng Cebuana Lhuillier noong nakaraan Huwebes kung saan ay lamang pa sila ng 21 puntos ngunit kinapos din sila pagdating sa huli ng Gems.

Sa tampok na laban, magsisimula naman ang back-to-back campaign para sa Fresh Fighters sa kanilang pagsagupa kontra sa Giants na magsisikap namang bumuwelta sa natamong pagkabigo sa kamay ng Tanduay.

Ngunit malaking kuwestiyon kung makakaya ng Giants na makapagtala ng upset kontra sa isa pang star-studded team sa liga na pinangungunahan ni Aspirants Cup MVP Bobby Ray Parks, reigning NCAA MVP Scottie Thompson, dating league MVP Garvo Lanete, Kirk Long at Troy Rosario.