SILANG, Cavite – Napatay ang suspek sa pamamaril kay Senior Insp. Leo Angelo Cruz Llacer, hepe ng General Mariano Alvarez (GMA) Police noong Enero 14, sa isang shootout noong Sabado ng hapon makaraan itong tumangging magpaaresto sa bahay nito sa Sitio Malipa sa Barangay Maguyam sa bayang ito.

Si Amiel Martinez Cabacaba, alyas “Waway,” 36, ay agad na namatay sa mga tama ng bala sa leeg, katawan, at braso. Nakuha mula sa kanya ang isang .38 caliber revolver na may tatlong basyo at tatlong bala sa cylinder nito.

Nangyari ang madugong pagtatapos ng buhay ni Cabacaba matapos siyang makipagbarilan sa mga pulis sa isang habulan sa lugar.

Napaulat na ang suspek ay tumakas mula sa kanyang bahay nang makita ang grupong aaresto sa kanya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ayon kay Senior Supt. Jonnel C. Estomo, sangkot si Cabacaba sa pagpatay kay Llacer sa Sito Pasong Saging sa Barangay De las Alas, GMA, 56 araw na ang nakararaan.

Ang sinasabing pangunahing suspek na si Romeo Panganiban Villaganas, 32, ay nananatiling malaya, ani Estomo.

Si Llacer, 38, ay namatay na isang bayani sa bisperas ng kanyang kaarawan. Pinangunahan niya ang seven-man team na rumesponde sa isang bahay na inookupahan ng mga suspek na nang nasabing gabi ay sangkot sa walang habas na pagpapaputok ng baril. - Anthony Giron