NAPLES, Italy (AFP) – Ito ay maaaring milagro, o puwede ring hindi. Bahagyang naging likido ang natuyong dugo ng patron ng Naples na si Saint Januarius noong Sabado matapos hawakan at halikan ni Pope Francis ang reliko sa isang seremonya sa lungsod na nasa katimugang Italy.

Ipinakita ng arsobispo ng Naples na si Crescenzio Sepe ang lalagyan ng reliko at idineklarang: “The blood has half liquified, which shows that Saint Januarius loves our pope and Naples.”

“The bishop just announced that the blood half-liquefied. We can see the saint only half loves us,” pahayag ni Pope Francis. “We must all spread the word, so that he loves us more!”
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3