Ikinalugod ng Malacañang ang desisyon ng European Union na alisin sa black list ang lahat ng Philippine carrier.

“That’s a very good development and hopefully that includes everyone, so at least we can look forward to more Philippine carriers flying to various destinations in Europe, which, of course, means that hopefully lesser fare,” masayang sambit ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Aniya, hindi lang ito makabubuti para sa industriya ng paliparan kundi maging sa industriya ng turismo, sa pag-anyaya ng bansa sa mga turista mula sa Europe.

“Hopefully, mas maka-entice po ‘yan ng mas maraming bisita mula naman diyan sa Europa. At saka, alam ko marami tayong kasamahang mga OFW at saka ‘yung mga Pilipinong sa Europa nakatira na who would want to come home more often,” pahayag ni Valte.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists