PANTABANGAN, Nueva Ecija – “Good governance and transparency” ang misyon ng bagong alkalde na itinalaga kamakailan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa layuning mag-move forward, sa halip na “moving on” mula sa pagpapalit ng liderato kasunod ng pagkakasibak sa puwesto ng alkalde ng bayan.

Ito ang adhikain at mithiin ni dating Vice Mayor at ngayon ay Mayor Ruben Huerta, matapos ang pagpapatalsik kay incumbent Mayor Lucio Uera na sinibak sa serbisyo dahil sa kinakaharap na mga kasong grave misconduct at grave abuse of authority.

Kinasuhan si Uera dahil sa ilegal na pagsuspinde at pagsibak sa tungkulin sa 40 permanenteng kawani ng pamahalaang bayan may siyam na taon na ang nakalipas.

Inihayag naman ni Huerta na walang “revenge” at sa halip ay “reconciliation” na may hustisya ang isusulong ng kanyang pamumuno.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Huerta ay running mate ni Uera noong 2013 elections at opisyal na pinagkalooban ng assumption order ng DILG para maupong bagong alkalde ng Pantabangan.

Bukod kay Huerta, itinalaga rin ang pamangkin ni Uera na si First Councilor Vincent M. Uera bilang bagong bise alkalde.