Dalawang lalaking sakay sa isang motorsiklo ang namatay makaraang mabangga ng isang mini bus sa Polomotok, South Cotabato, iniulat kahapon.

Ayon sa report ng Polomotok Municipal Police, nangyari ang insidente dakong 1:30 ng umaga nitong Sababo sa national highway sa Pagalungan, Polomolok, South Cotabato.

Sinabi ni Insp. Edgar Banzuela, ng Polomolok Police, na sumalpok ang pulang Sky Go Wizard na sinasakyan ng mga biktima sa isang mini bus.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ng mini bus sa motorsiklo, tumilapon nang ilang metro ang dalawang rider at humandusay sa bangketa na kanilang ikinamatay.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Bigo namang makilala ang mga biktima na kasalukuyang nakalagak ang mga bangkay sa punerarya.

Sinabi pa ni Banzuela na walang kahit anong pagkakakilanlan na nakuha sa mga biktima.