Ruru at Gabbi

MAY bagong love team na bet for stardom ang GMA-7.

Napakasuwerte ng tambalan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia na ilo-launch ng GMA-7 sa rom-com series na Let the Love Begin dahil ang mahusay na si Gina Alajar ang kanilang director.

Doble suwerte pa kung matutuloy ang nababalitang makakasama nila sina Gina Pareño, Ai-Ai delas Alas, Ariel Rivera at Regine Velasquez.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Ayaw pang kumpirmahin ng network na kasama nga ang apat na pangalan sa rom-com series, pero lumutang na ang mga pangalan nila. Sabi ng mga taga-GMA-7, hindi sa kanila galing ang impormasyon na kasama sa cast ang apat na nabanggit.

Siguro dahil katatapos lang ni Ariel ng Bagito sa ABS-CBN, si Ai Ai naman, kahit nag-expire na ang kontrata sa ABS-CBN, wala pa ring linaw kung totoong lilipat sa GMA-7. Si Gina Pareño naman, hindi mahingan ng reaction, ganoon din si Regine.

Ang medyo pressure kina Ruru at Gabbi ay ang time slot nila, primetime ang oras nito at ipapalit sa Once Upon A Kiss nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

“Kinakabahan ako, pero excited din dahil since mag-start ako, dream ko na magbida sa isang TV series at dumating na ang chance. Nangangako akong ibibigay ang best ko para matuwa ang Channel 7 at si Direk Gina,” pangako ni Ruru.

“Sobrang happy ako nang malamang may bago kaming soap ni Ruru at kami pa ang parang bida.  Lalo akong inspired magtrabaho at ang nakatutuwa pa, matutuloy na rin ang airing ng Instadad sa April 5, kaya sa dalawang shows ako mapapanood,” masayang wika ni Gabbi. (Nitz Miralles)