Ni ALEXANDER D. LOPEZ

DAVAO CITY – Bagamat pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang Senate Committees on Public Order and Dangerous Drugs, Peace, Unification and Reconciliation at Finance sa report nito tungkol sa insidente sa Mamasapano, binanggit ng ahensiya na ang nasabing report “give the appearance that emotion, rather than objectivity, prevailed in the articulation of its findings.”

Sa inilabas nitong pahayag, tinukoy ni CHR Chairperson Loretta Ann Rosales ang mahahalagang puntos sa findings ng Senado, na kinabibilangan ng konklusyon na ang engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 ay isang massacre; tungkol sa sinseridad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa prosesong pangkapayapaan; at hinggil sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa insidente sa Mamasapano, sinabi ni Rosales na “while the CHR commiserates with the families of the victims and acknowledges that the killing of the Fallen 44 was unjustified, categorizing the incident as a massacre is excessive.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“The mere use of high-powered firearms and mortars does not automatically equate to cruelty, inasmuch as it was not clearly established who, between the MILF and BIFF, used what,” pagbibigay-diin sa pahayag ni Rosales.

Idinagdag niya na ang characterization na inilarawan ng Senado “overlooks the fact that the SAF were armed, albeit outgunned.”

“In other words, although their situation was dire, the SAF were not necessarily helpless or unresisting,” dagdag pa ni Rosales.

Pinuna rin ni Rosales ang paglalarawan ng Senado na sumuong sa patibong ang mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), sinabing nangangahulugan ito ng ambush, gayong mismong ang records ang nagpapatunay na “the MILF itself, much less the BIFF, was unaware of the arrival of the SAF.”

Binanggit din niya na bukod sa 44 na tauhan ng SAF na napatay ay nasawi rin sa sagupaan ang limang sibilyan, kabilang ang isang walong taong gulang, at 17 kasapi ng MILF.

Sa sinseridad ng MILF, sinabi ni Rosales na ang kawalang kakayahan ng pamunuan ng MILF na kontrolin ang ilan sa mga armadong kasapi nito ay walang kinalaman sa katapatan ng grupo sa pinasok na kasunduang pangkapayapaan.

Sinabi rin ni Rosales na ang korte ang dapat na nagdedesisyon sa legalidad ng mga probisyon ng BBL, kabilang na ang magiging epekto nito.