MAY dahilan kung bakit naghihimutok ngayon ang kilalang showbiz personality dahil natuklasan niya sa kanyang dating asawa. 

Huling-huli kasi niya ang dating minahal niya nang husto, at naging ama ng kanyang anak, kasama ang karelasyon nito.

Ayon sa showbiz personality, paniwalang-paniwala siya noong ipakilala sa kanya ng dating asawa ang nasabing girl na kaibigan lang daw nito. Hindi naman ipinaghihimutok ng aktres kung nagsinungaling man ang dati niyang karelasyon dahil hiwalay na nga sila.

Ang siste, lumabas na may relasyon ang dalawa dahil sa kumakalat na mga larawan nila na magkasama sa isang eroplano, papunta sa isang mamahaling resort. Huling-huli na rin ang male star dahil ayon pa sa mga nakakakilala sa kanila, na kasamahan din naman nila sa naturang eroplano, magka-live-in na ang dalawa.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

“Ang hirap sa kanya, sasabihin niyang hindi raw niya kayang magbigay ng sustento sa bata pero kayang-kaya pala niyang maghapi-hapi sa isang mamahaling resort at kasama pa niya ang babae niya,” sey na lang daw ng showbiz personality. —Jimi C. Escala