Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Rain or Shine vs. Kia Carnival

5:15 p.m. Talk ‘N Text vs. Alaska

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pormal na makamit ang isa sa top two spots na magbibigay sa kanila ng bentaheng twice-to-beat sa quarterfinals ang tatargetin ng Rain or Shine at ng Talk ‘N Text sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Unang sasalang ang Elasto Painters kontra sa expansion team na Kia Carnival sa ganap na alas-3:00 ng hapon habang susuong naman sa digmaan ang Tropang Texters kontra sa Alaska sa tampok na laro sa ganap na alas-5:15 ng hapon.

Magkasalo sa ngayon sa ikalawang posisyon ang Rain or Shine at Talk ‘N Text na hawak ang barahang 7-3 (panalo-talo), sa likuran ng namumunong Purefoods Star na may kartadang 8-3.

Kung magwawagi ang dalawang koponan sa kanilang laban, sila ang pormal na ookupa sa top two spots papasok sa quarterfinals dahil bababa ang Star Hotshots sa ikatlong posisyon sa bisa ng mas mataas na quotient kapag nagkaroon ng 3-way tie sa unahan.

Ngunit kung may matatalo sa dalawang koponan, ang defending champion Purefoods ang kokopo ng ikalawang puwesto at ang matatalong team ang magiging pangatlo.

Sa panig naman ng kanilang mga katunggali, kapwa taglay ang barahang 4-5 at 4-6 para sa ikaapat at ikalimang posisyon, ayon sa pagkakasunod, pipilitin ng Aces na lumapit sa pinto papasok sa quarterfinals habang hangad namang buhayin ng Kia ang kanilang tsansa na umabot sa susunod na round.

Kailangan ng Aces na maipanalo ang laban ngayon at ang huling laban kontra sa Ginebra sa pagtatapos ng eliminations upang makasiguro ng isang slot sa 8-team quarterfinals habang nais naman ng Kia na maipanalo ang laban ngayon sa Rain or Shine at umasang walang manalo sa mga sinusundang koponan na Alaska, Ginebra at Globalport para makapuwersa ng playoff sa huling quarterfinals berth.

Tatangkain ng tropa ni coach Yeng Guiao na dugtungan pa ang naitalang back-to-back wins kontra sa Kings at Blackwater para masiguro ang asam na top two placings sa pagtatapos ng elimination round habang target naman ng Tropang Texters ang ikalawang dikit na panalo makaraang makabalik sa winning track noong Miyerkules nang pataubin ang San Miguel Beermen sa iskor na 113-93.

Ngunit ayaw bigyan ng pansin ni coach Jong Uichico ang kasalukuyang sitwasyon dahil nais nitong magpokus, kasama ang kanyang players, sa kanilang nalalabing laban.

“I don’t check on the situation. We just try to win in our next game and see what happens,” ayon kay Uichico.