Kris Aquino

SA March 17 episode ng KrisTV, sinabi ni Kris Aquino na gagawa ulit siya ng isang pelikula after her box-office hit Feng Shui 2 with Coco Martin sa MMFF.

This time, ang role bilang isang “kabit” o mistress ang susubukan niyang gampanan at ang paborito niyang direktor na si Chito Roño ang gagabay sa kanya sa nasabing pelikula. 

Ang istorya ng said movie ay base sa libro ng dating TV host at columnist na si Jullie Yap-Daza noong 1992, titled Etiquette for Mistresses And What Wives Can Learn From Them. 

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Noong una, ayaw daw ni Kris na gawin ang mistress role dahil baka gamitin na naman against her ang publicity ng isang pagiging kabit. But with Direk Chito na in-explain sa kanya ang role, saka lang siya napapayag. Si Direk Chito ang nakabili ng rights ng libro para bigyang-buhay ito sa wide screen. 

Sa pahayag ni Kris, after accepting the role, nag-set siya ng isang  condition... to make her character unhappy.

Para naman hindi lalabas na gino-glorify ang mga mistress?

“Kasi ito ang life na pinili niya. There are certain sacrifices that were involved also and it’s a life choice. Ayoko na may iba na magiging happy, may mapapakasalan.”

Naintindihan naman ni Direk Chito ang kanyang punto na maging unhappy ang ending dahil ayaw niyang  magbigay ng bad impression sa kanyang mga manonood. Na, ang pagiging kabit o number 2, ay may magandang pupuntahan o may reward.