Iza Calzado

NAGSU-SHOOTING na si Iza Calzado ng Hollywood movie na Showdown in Manila kasama ang ilang Hollywood stars gaya nina Casper van Dien, Alex Nevsky, Cary Tagawa at ang Fil-Am actress na si Tia Carrere. Si Mark Dacascos ang director ng kanilang pelikula.

Kahit dito lang sa Manila ang shooting ni Iza, masaya siya na siya ang napili sa Pinay actresses na nag-audition kabilang sina Vina Morales, Isabelle Daza at Andrea del Rosario.

Kasabay ng shooting ni Iza sa Showdown in Manila ang paghahanda niya sa Sabel, ang first theater play niya na isang musical, pero hindi siya kakanta. Siya ang narrator ng buong kuwento. Kasama ni Iza ang Philippine Ballet Theater.

National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16

Bases sa painting series ng National Artist na si BenCab ang musical play sa direction ni Freddie Santos at mapapanood sa April 13 sa Solaire Theater, sa mismong birthday ni BenCab. May re-run ito sa Music Museum sa June. (Nitz Miralles)