Iñigo Pascual

LABIS-LABIS din ang pasasalamat ni Iñigo Pascual sa magagandang projects na ibinibigay ng ABS-CBN sa kanya. Wala pa ngang isang taon siyang nananatili sa Pilipinas, nakailang big projects na siya at heto, may soap drama na rin siya, ang And I Love You So.

Mixed emotions si Iñigo na mas lamang ang kaba dahil challenge raw ito sa kanya at posibleng ikumpara siya sa Papa Piolo niya pero napakasaya rin niya dahil pinayagan na siya ng tatay niyang magteleserye.

“I’m surprised talaga na he let me dahil ‘yung plan talaga ay babalik na ako sa States but the opportunity is here and it’s not gonna be here all the time, so, ‘yun nga, I have to grab the opportunity and it’s my passion as well, so, ‘yun po,” kuwento ni Iñigo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa batang aktor, pagbubutihin niya ang trabaho niya para hindi naman siya mapahiya sa tatay niya na hinahangaan ng lahat pagdating sa pag-arte at pagiging propesyonal.

At dahil bisi-bisihan na ang drama ni Iñigo, hinto muna siya sa pag-aaral.

 “Yes, for now, I’ll be staying here pero babalik-balik pa naman ako sa States. I’m still doing online schools, I’m looking for a couple of schools and program where I can go to school at least once or twice a week,” pag-amin ng bagets.

Samantala, kapansin-pansin na kahit matagal tumira sa Amerika at inglesero ay hindi nakakalimutan o likas na gumagamit ng ‘po’ at ‘opo’ si Iñigo, bagay na mas lalong hinangaan sa kanya.

Tinanong ang bagets kung bakit marunong siyang magtagalog na agad niyang sinagot ng, “Siyempre po, dito naman po ako ipinanganak,” at may isip na siya nang pumunta sila ng Amerika.

Bakit kaya ‘yung ibang batang nag-aartista na dito naman ipinanganak at lumaki na inglesero ay hindi alam ang salitang ‘po’ at ‘opo’?  Ikakatwiran pa na kapag nagsasalita raw ng English ay wala naman talagang po at opo.

‘Yan ang katwirang baluktot, di ba, Bossing DMB? --Reggee Bonoan

(Opo nga po, Ma’am Reggee.)