Itinuturing ng marami sa atin na ang pagiging single ay malungkot na kalagayan ng buhay kapag tumatanda ka na. Ngunit marami tayong mapupulot na aral sa pagiging single na makapaghahanda sa atin sa buhay na may karelasyon. Narito...
- Hindi ka nag-iisa. - Ayon sa isang pananaliksik, karamihan sa populasyon ng buong daigdig ay single. Kaya kung ikaw lang ang nananatiling single sa inyong barkadahan, hindi ikaw ang outsider.
- Huwag maniwala sa “Love at First Sight”. - Napaka-romantic pakinggan ng katagang “Love at First Sight” ngunit nagbabago ang ugali at moods ng mga tao. Maaaring na-love at first sight ka sa isang tao ngunit pagkalipas ng ilang buwan mula nang maging “kayo” ay lumabas na ang true colors niya na hindi katanggap-tanggap sa iyo. Ngayon hindi mo na siya love.
- Hindi solusyon ang pakikipagrelasyon sa lahat ng problema. - Mas nakakadagdag pa nga sa mga problema ang pakikipagrelasyon. Masaya ngang ipagmalaki sa buong mundo ang iyong karelasyon pero hindi nareresolba niyon ang iyong mga problema. Kakaunti lang ang magagawa ng iyong partner upang suportahan ka. Upang maging matibay, kailangan mong maging independent at self-sufficient.
- Huwag kang pakipot. - Kung gusto mo rin lang siya, huwag mo na siyang pahirapan. Kung ibibitin mo ang maramis mong “oo”, malawak ang dagat at marunong siyang mangisda. Huwag mong aksayahin ang inyong panahon.
- May aral ang masamang relasyon. - Kapag hindi naging maganda ang inyong pagsasama bilang magkasintahan at natapos ang inyong ugnayan, limutin mo na siya ngunit huwag limutin ang karanasan. Magiging gabay mo ang madilim mong kahapon sa bago mong relasyon sa hinaharap.
- Mababaw ang dahilan ng pag-ibig. – Kung umiibig ka dahil sa kanyang kuguwapuhan/kagandahan, yaman, pamilyang kanyang kinabibilangan o ganda ng katawan, magiging marupok ang inyong relasyon kalaunan.
Sundan bukas.