Magsisimula na ang operasyon ng Express Bus ng gobyerno sa piling lansangan ng Metro Manila simula bukas.

Ang pilot testing ng operasyon ng mga Express Bus ay joint project ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation and Communication (DoTC), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, partikular sa EDSA.

Sa ikinasang pilot testing, 50 air-conditioned bus ang bibiyahe sa tatlong ruta: Express 1 (E1) na may 20 bus mula Fairview-Ortigas-Ayala Avenue/G. Puyat Avenue na may bus stop sa Megamall/Ortigas; E2 na may 10 bus na bibiyahe sa Fairview-Ayala Avenue/G. Puyat Avenue; at E3 na may 20 unit mula Fairview-Ayala MRT Station-SM Mall of Asia na may stop sa Ayala-MRT.

Sinabi ni DoTC Assistant Secretary Sherielysse Bonifacio na susundo ng mga pasahero ang mga bus sa MMDA dispatching area sa Fairview simula 5:00 ng umaga.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Magkakaloob ng libreng WiFi sa mga pasahero, obligado rin ang mga Express Bus na gumamit ng GPS (global positioning system) at closed circuit television (CCTV) camera upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero.

Pinayagan din ni LTFRB Chairman Winston Ginez ang mga Express Bus na makadaan sa flyover, underpass at lahat ng traffic lane, maliban sa yellow lane na nakatalaga sa mga city bus.

Hindi rin saklaw ng number coding scheme ang mga Express Bus, ayon kay Ginez.