Coco Martin

NAG-SHOOTING sa Batanes ang You’re The One, ang Star Cinema movie na pinagtatambalan nina Toni Gonzaga at Coco Martin. Nagmistulang photographer si Coco dahil sa ganda ng lugar, kuha siya nang kuha ng mga litrato at pino-post ang mga ito sa kanyang Instagram account.

Naunang pumunta sa Batanes si Director Antoinette Jadaone at aliw ang binanggit niyang from Leyte (para sa shooting ng Relaks, It’s Just Pag-ibig), to Sagada (sa shooting ng That Thing Called Tadhana), nasa Batanes siya para sa shooting ng Coco-Toni movie. Marami palang gustong makarating ng Batanes at na-excite nang malamang may mga eksena sa movie na showing sa April 4 ang kinunan doon.

First time pareho nina Coco at Toni na maidirek ni Antoinette at first time ni Coco na maidirehe ng lady director, kaya nanibago siya.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

“Masayang katrabaho si Direk Tonet, bago sa akin ito at ang dami kong natutunan. Pero sobrang hirap na hirap din ako sa movie na ito dahil bagong genre sa akin. First time kong hindi na-take one, inaabot ako ng take six at once lang ako na-take one, kamay ko pa ang na-close up,” kuwento ni Coco.

Sa April 4, ang showing ng pelikula at hindi lang ang nalalapit na pagpapakasal ni Toni ang rason kung bakit napabilis ang showing nito. Big factor din na busy si Coco sa Wansapanataym Presents Yamashita’s Treasure na pinagtatambalan nila ni Julia Montes at may gagawin uling pelikula kasama si Vice Ganda. --Nitz Miralles