NAPAPABALITA na naghiwalay sina Bradley Cooper at Suki Waterhouse makalipas ang dalawang taong relasyon bilang magkasintahan.

Unang naglabas ng ulat tungkol sa nasabing hiwalayan ang ETOnline. Ayon sa tagapagsalita ni Waterhouse na si Katy Moseley sa Yahoo, siya ay “no comment” hinggil sa problema habang hindi pa sumasagot ang tagapagsalita ni Cooper upang magbigay komento.

Ayon sa People, hiwalay na ang dalawa bago pa man ginanap ang Oscars noong Enero ngunit nanatiling magkaibigan at nagdesisyong magkasabay na dumalo sa awards show.

Nagsimulang kumalat ang balitang may relasyon sina Cooper, 40 at Waterhouse, 23 noong Marso 2013. Nakumpirma ito pagkaraan ng siyam na buwan nang magtungo ang modelo bilang date ni Cooper sa New York premiere ng American Hustle.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“We were introduced and hit it off almost immediately. We were dancing at the afterparty, and he asked me if I fancied going to a club,” pagbabalik-tanaw ni Waterhouse. “We went to Cirque le Soir in London — and he’s a ridiculously good dancer, yes. But I’m a serious dancer too ... We make a pretty good duo, though.” - Yahoo News/Celebrity