ADEN (AFP)—Tumakas si Yemen President Abedrabbo Mansour Hadi sa air raid sa kanyang palasyo sa katimogang lungsod ng Aden noong Martes, isang araw matapos ang pagtindi ng kaguluhan sa bansa.

Nangyari ang air raid kasunod ng matinding barilan sa paliparan at mga sagupaan sa iba pang lugar, kasabay ng babala ng mga analyst na ang hating Yemen ay patungo sa all-out civil war.

Napilitang lumikas sa palasyo si Hadi nang umatake ang fighter jet at pinatamaan ang katabing burol, sinabi ng presidency sources.

“President Hadi has been evacuated to a safe place but he has not left the country,” sabi ng presidency sources sa AFP.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Kalaunan ay sinabi ng pangulo na ang “coup had been foiled” at nanawagan sa armed forces na “reject all orders from Sanaa,” na kontrolado ng Shiite Huthi militia na laban sa kanyang paghawak sa poder.