“We are a government of laws and not of men.”

Ito ang binigyang-diin ni Bulacan Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado nang umapela siya sa Commission on Elections (Comelec) na itama ang proseso sa isinusulong na recall proceedings laban sa kanya.

Sinabi ni Alvarado na nilabag ng Bulacan provincial election supervisor (PES) ng Comelec ang kanyang karapatan sa due process of law nang hindi nito sinunod ang rules sa recall proceedings.

Sinabi ng gobernador na hindi naman binago ng komisyon ang mga patakaran sa recall proceedings na nagsasaad na kailangan itong sundin ng PES.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon kay Alvarado, ito ang naging dahilan kung bakit humingi siya ng Temporary Restraining Order sa Bulacan Regional Trial Court Branch 83, na ipinagkaloob naman ni Judge Guillermo Agloro.

“Ang batas ay batas, dapat itong sundin at ipatupad ng pamahalaan,” dagdag ng gobernador.

Nilinaw ng gobernador na nilabag umano ng PES ang patakaran sa publikasyon at posting sa recall proceedings sa ilalim ng Section 14 ng Comelec Resolution No. 7505.

Aniya, sa ilalim ng nabanggit na patakaran, ang PES ng Bulacan ay inaatasang ilathala ang petisyon kabilang ang mga pahinang nagtataglay ng mga pangalan, tirahan at lagda ng petitioners, isang beses sa isang linggo sa loob ng tatlong linggo sa isang pambansang pahayagan at sa isang lokal na pahayagan na may general circulation.

Hindi sinunod ng PES ang nasabing patakaran ngunit inilathala ng petitioner sa petisyon sa recall election.

Natuklasan din sa pahayag ng korte na hindi accredited newspaper for general circulation ang lokal na pahayagang Rekta.

Lumabag din ang PES nang ilagay lang sa dalawang siyudad at tatlong bayan ang tala ng mga pumirma sa petition for recall mula sa 24 na bayan at siyudad dito, giit ni Alvarado. - Omar Padilla