Kalaboso ang isang tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Quezon City Police District matapos tutukan umano ng baril ang isang 24-anyos na babae.

Kinilala ng QCPD ang suspek na si PO1 Nino Fuentes, tubong Samar at nakatalaga sa NCRPO-Regional Public Safety Battalion na nakabase sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ayon sa biktima na si Manilyn Fernandez, 24, isang housewife, at residente ng Mapagmahal St., Quezon City, nasa isang karinderya siya na pag-aari ng kanyang ina sa No. 6 Mapagmahal St., nang dumaan si Fuentes na may bitbit na baril.

Kinasa pa umano ng suspek ang kanyang baril habang naglalakad at matapos ang ilang segundo, biglang itinutok niya ito kay Fernandez.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Dahil sa matinding takot, ipinaalam ni Fernandez ang insidente sa kanyang ina na siya namang nag-report ng panunutok ni Fuentes sa pulisya.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Kamuning Police Sub-station kaya agad na naaresto si Fernandez.

Sa panayam sa piitan, itinanggi ni Fuentes ang insidente.

“Wala sir. Walang nangyayaring panunutok. Siguro naangasan lang sila kasi huminto nga kami sa tapat nila. May kumakain na lalaki akala namin kumakanta at ginagaya ang pagkanta ng kasama ko,” paliwanag ni Fuentes. - Francis Wakefield at Betheena Kae Unite