Indian Wells (United States) (AFP)– Nakapagtala si Andy Murray ng rekord sa Open Era para sa isang British man sa kanyang 6-4, 6-4 panalo laban kay Feliciano Lopez upang umabot sa Indian Wells ATP Masters semifinals.

Naisaayos kahapon ng fourth seed na si Murray ang showdown sa defending champion na si Novak Djokovic, na napanalunan ang laban sa pamamagitan ng walkover nang umatras si Bernard Tomic sa kanilang nakatakdang quarterfinal sa WTA at ATP hardcourt tournament.

Si Murray ay mayroon ngayong 497 match wins, nalampasan si Tim Henman para sa pinakamarami sa Open Era ng isang British player.

Ipinagpatuloy ng 27-anyos na Scot ang kanyang dominasyon laban sa Spanish lefthander na si Lopez, napanalunan lahat ng kanilang 10 career matches.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“His game style I think matches up quite well against mine,” ani Murray, na tatlong panalo na lamang ang kailangan para sa 500-win milestone. “I don’t have as much trouble with the lefties.”

“I was able to deal with his difficult spins today, but it was tough because he fought right to the end.”