Mas palalawakin ngayong summer sa kada Sabado at Linggo ang dinudumog na Laro’t Saya sa Parke (LSP) “PLAY ‘N LEARN” na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa apat na mga lugar.

Magkakasabay na isasagawa tuwing Sabado ang Laro’t Saya sa Parañaque (LSP) sa kahabaaan ng Dr. A. Santos Ave. malapit sa Air Force One sa Parañaque City, sa Kawit sa Freedom Park sa Brgy. Kaingen sa Kawit, Cavite at sa Quezon Circle (LSQC) sa Quezon Memorial Circle sa Diliman, Quezon City.

Tuwing Linggo naman gaganapin ang Laro’t Saya sa Luneta sa Burnham Green grounds sa Roxas Blvd., Ermita, Manila sa harapan ng makasaysayang Manila Hotel at ng kalabaw sa Kilometer 0 marker.

Ang proyekto ay pinangangasiwaan ni PSC chairman Ricardo Garcia, PSC executive director Atty. Guillermo Iroy, Jr. bilang project director, project manager si PSC Research and Planning chief Dr. Lauro Domingo, Jr., marketing and promotions director si Merlita Ibay, Kawit area coordinator si Alona Quinto at coordinator si Julia Llanto.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Gumagabay sa programa sa LSQC sina Fred Joves, Lina Colendrino, Warren Gabriel, Violeta Tuazon, Maita Linco, Oscar Papelera, Eric Palanca, Arnel Agdinaoay, Eddie Montalban at Jorge Sambre.

Umaayuda sa LSK sina Anna Christine Abellana, Beth Agulan, Olive Caballero at Rudy Caparas.

Umaalalay sa LSP sina Carol Guinay, Celia Barquez, Janet Chiu at Bonifacio Baer at kumakalinga naman sa LSL sina Evelyn Abangan, Paul Ignacio, Conie de Guzman, Mamerto Madali, Mauricio Algodon, Jr., Montalban, Ferdinand Roñada, Richard Sena, Norberto Dinglasan at Esperanza Mauricio.