Direl Paul at Toni

NGARAGAN at araw-araw pala ang shooting nina Coco Martin at Toni Gonzaga sa You’re My Boss para maihabol sa Abril 4 playdate. Kaya masuwerte na kung umabot ng apat na oras ang tulog nila, kuwento ni Coco sa presscon ng pelikula nila. 

Kuwento sa amin ng isang staff ng Star Cinema, pagkatapos ng presscon ay babalik sa shooting ang dalawang bida. Nang makasabay naman namin si Toni sa elevator pababa galing 9501 restaurant ng ABS-CBN, narinig naming ang sinabi niya sa kasama niya na gutom na siya kasi hindi pa siya kumakain. 

‘Kumain ka,’ payo naming sa kanya, ‘mahirap mag-shoot nang gutom’ na sinagot naman niya ng, “Oo nga, eh.”

National

'Di nagdrama!' Robredo, dumalo sa lahat ng SONA noon ni FPRRD -- Ex-OVP spox

Gayong may shooting pa nang gabing iyon, kinabukasan ng maaga ay lumipad naman sila patungong Batanes para sa additional shoot, kaya sa biyahe na lang sila matutulog. 

In fairness kay Direk Antoinette Jadaone, ang gaganda ng location niya. Pangarap yata niyang magkaroon ng travel show, ipinapakita niya ang magagandang lugar sa Pilipinas. Una na niyang ipinakita sa That Thing Called Tadhana ang Sagada.

Anyway, hindi namin alam kung ginu-goodtime kami ni Toni nang sabihin niya na hindi pa raw sigurado ang kasal nila ni Direk Paul Soriano sa Hunyo 12 na mapapasabay sa pagbubukas ng Pinoy Big Brother Season 6. 

“Ikaw talaga, bakit mo sinulat? Hindi pa sure, kaya nga hindi ako makapagbigay ng detalye kanina (sa presscon) kasi baka mabago pa, kasi nga may PBB, ‘wag ka na magsulat pa ng ibang detalye, ha?” pakiusap sa amin ni Toni.

Kita ng-kita na pagod na si Toni sa kaliwa’t kanang schedules niya, pero dahil ginusto naman niyang sumikat at dumami ang projects, kinakaya niya.

Sabi naman ng mga kakilala namin sa production: “Ate Reggs, mas maawa ka sa aming mga staff, hindi kami totally natutulog, ang mga artista, nakakatulog ‘pag hindi kinukunan at mas malalaki talent fee nila.”

Oo naman. Pero kung walang project ang artista, wala ring work ang mga staff, vice-versa.