Jasmine Curtis

SINO kaya ang nag-engganyo kay Jasmin Curtis na sumali sa car racing, at talagang nag-aral pa siya ng manual driving para lang makasali sa Vios Cup 2015 ngayong araw sa Clark International Speedway.

 

First time niyang sumali ng Move It host sa ganitong karera kaya ninenerbyos ang dalaga.

National

4.1-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Sur

 

“After 6 practice days with an instructor in the car with me, finally went on the track by myself. Was so nervous during the first lap, almost spun out.  Gradually got a bit confident and was able to achieve a lap in only 2mins and 32 seconds.  That’s a major improvement since my first ever lap on the track (with an instructor pa), where I got 3 minutes.  Be proud of me,” saad niya sa kanyang post sa Instagram.

 

Ang iba pang celebrity na kasali sa nasabing karera ay sina Phoemela Baranda, Rhian Ramos, Sam YG at Derek Ramsay.

 

“Excited but very, very nervous,” dagdag pa ni Jasmin sa post niya. “If you’d like to watch the race live come through on March 21 here at the Clark International Speedway, admission is free, so get in early for a good spot.”

 

Ayon sa taong malapit sa TV host/actress ay matagal nang pangarap ni Jasmin na sumali sa car racing.

 

Samantala, apat na dance crew, ang FMD Xtreme, Pangasinan Movement, PUP Power Impact at N2I Kids at limang solo movers, sina Jobs Zamora, RJ de Claro, Anykka Asistio, Dhztine Bernardino at Sergio Garcia na lang ang mapapanood sa Move It Clash of the Streetdancers bukas (Linggo), 8 PM, sa TV5. –Reggee Bonoan