Laro ngayon: (Lucena City)

5 pm Ginebra vs. Globalport

Mag-uunahan para makapagtala ng ikalimang panalo at palakasin ang tsansang umusad sa playoff round ang tatangkain ng crowd favorite Barangay Ginebra at Globalport sa kanilang pagtutuos ngayon sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2015 PBA Commissioner’s Cup na dadayo naman sa Lucena City.

Kasalukuyang nasa 3-way tie sa ikaapat na puwesto ang dalawang koponan kasama ang Alaska na pawing taglay ang barahang 4-5 (panalo-talo) kasunod ng solong pumapangatlo na NLEX na may kartadang 6-4.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kinakailangan nilang maipanalo ang kanilang huling dalawang laro upang makasiguro ng slot sa 8-team quarterfinal round.

May tatlong slots na lamang ang pinaglalabanan para sa huling mga upuan sa playoff round kung saan ay limang koponan pa ang mag-aagawan, kabilang na ang Barako Bull at Kia Carnival na magkasalo ngayon sa 7th at 8th spots na taglay ang barahang 4-6.

Inaasahang dikdikan ang magiging laban ng mga koponan na kapwa galing sa kabiguan sa nakaraan nilang laban noong Linggo sa Cuneta Astrodome, ang Kings sa kamay ng Rain or Shine, 79-82, at ang Batang Pier sa NLEX, 81-94.

Muling sasandigan ng Kings ang import na si Michael Dunigan kasama ang twin tower na sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar at beteranong sina Mark Caguioa, Joseph Yeo at Chris Ellis.

Sa kabilang dako, aasahan naman ng Batang Pier si dating Lakers Derrick Caracter at ang locals na sina Terrence Romeo at Stanley Pringle.