MARAMING nagtaka at may nagtaas pa ng kilay nang makitang um-attend ang Kapuso tween star na si Gabbi Garcia sa debut ng Kapamilya star na si Julia Barretto last March 14.  At hindi lamang iyon, tsika-tsika rin sila ni Kapamilya young actress na si Kathryn Bernardo.

Gabbi Garcia

“Magkaklase po kami ni Julia sa St. Paul’s sa Pasig,” kuwento ni Gabbi. “Friends din kami ni Kathryn kaya madalas kaming mag-feed sa aming social networking sites. Mga childhood friends po kami dahil mga bata pa kami magkakasama nang nag-model para sa isang clothing line. At happy kaming tatlo dahil muli kaming magkakasama-samang mag-endorse ng isang clothing line. Kaya masaya nang magkita-kita kaming muli sa debut ni Julia.

“Masaya po ako sa success ni Kathryn sa mga ginawa na niyang teleserye at movies.  At si Julia, now that she’s already 18, alam kong marami rin siyang projects na gagawin.”

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Si Gabbi naman, ay isa sa triplets na anak ni Gabby Eigenmann sa Sunday youth-oriented show na InstaDad na mapapanood every Sunday sa GMA-7 simula sa April.

Thankful si Gabbi dahil bukod sa InstaDad, magsisimula na rin siyang mag-taping ng launching drama series nila ng ka-love team niyang si Ruru Madrid, ang Let The Love Begin sa primetime block ng GMA-7 by May.