Hihiling na ng emergency procurement ang Department of Transportation and Communications (DOTC) para makakuha ng bagong maintenance service provider sa Metro Rail Transit (MRT) makaraan ang dalawang nabigong bidding.

Ayon kay DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya, idudulog nila ang naturang kahilingan sa Government Procurement Policy Board (GPPB) sa susunod na linggo para makakuha ng approval sa alternative mode of procurement dahil sa laki ng kontrata.

“Requirement po ‘yun if you undertake alternative mode at lagpas po ng P500 milyon ang contract, requirement ang GPPB approval, “ani Abaya.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na