Coco Martin

INAMIN ni Coco Martin na nahihirapan siya sa shooting ng You’re My Boss dahil hindi niya forte ang comedy.

Dramatic actor nga naman siya, kaya nangangapa siya sa romatic comedy.

Kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya kay Toni Gonzaga lalo na’t marami siyang natututuhan at malaki rin ang naitutulong sa kanya lalo na sa tamang pronounciation kapag English ang linya niya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa lahat ng serye at drama films na nagawa ni Coco ay take one lang siya, pero sa You’re My Boss ay nakakatikim na siya ng take six kaya natatawa siya habang nagkukuwento sa presscon nila ni Toni.

“Nu’ng una talaga sobrang hiyang-hiya ako kay Toni. Kasi siyempre, Toni Gonzaga siya. Iniisip ko, baka mamaya, hindi ako puwedeng magkamali. Baka mamaya, husgahan niya ako sa pag-­deliver ko ng lines, mali-mali ‘yung pag-pronounce ko ng English na lines.

“Pero ang ‘kinaganda no’n, hindi ko na­kita kay Toni ‘yon. Kasi siyempre, artista ako, baka mamaya husgahan niya ako. Mamaya isi­pin niya, ‘Ganito pala ‘to ka­jologs?’

 

“Kumbaga, nu’ng naramdaman ko kay Toni, ilang days pa lang kaming magkatrabaho, pero alam mo ‘yung parang ang gaan agad ng loob ko sa kanya? Kasi, hindi niya ako tinitingnan kung ano ako. Tinitingnan niya ako bilang katrabaho niya, tini­tingnan niya ako bilang aktor, bilang tao, hindi bilang artista lang.

 

“Kasi honestly, bilang artista, ang taas masyado ng tingin ko kay Toni. Siyempre, ‘yun nga, perfectionist. Sabi ko, matalino ‘tong taong ‘to, eh! Baka mamaya husgahan niya ako na, ‘’Eto lang pala siya?’

“Nakita ko sa kanya, willing siyang makipag-collaborate. ‘Tapos, kumbaga, iwe-welcome ka niya na, ‘Eto ako, tao ako, hindi ako artista!’” masayang kuwento ni Coco.

Sanay daw kasi si Toni sa romantic comedy films kaya master na niya at dahil first time ni Coco ang ganitong genre, kinabahan siya.

“Kasi sa larangan ng rom-com, tama ‘yung sabi ni Direk (Antoinette Jadaone), lahat ng eksena ni Toni, good take, one take lang. Hiyang-hiya ako ‘pag aarte ako, ‘tapos sabi ko, ‘hay, hindi ko pa rin nakuha.’ ‘Pag nasa bahay ako papunta sa location, ini­isip ko, ‘sana maka-one take ako!’” naniningkit ang mga matang pag-amin ng aktor.

Ikinuwento rin ni Coco na nahirapan siya sa eksenang ipinahubad ang shirt at pantalon niya. Nasa kotse sila ni Toni na kailangan niyang magpalit ng damit at maghuhubad siyempre. Malaki ang tiwala niya kay Direk Antoinette kaya agad niyang sumunod.

Kailangan sa eksena ang paghuhubad dahil nagkapalit sila ng papel ni Toni bilang boss, kaya magaganda dapat ang kasuotan niya.

“Wala kasi akong bachelorette party kaya siya (Coco) na ‘yun,” hirit ni Toni.

“It’s good!  Great! Ha-ha-ha,” tanging nasabi ni Coco nang hingan siya ng reaksiyon sa sinabi ni Toni na pangarap nitong makatrabaho siya bago ito ikasal.

Marami pa sanang itatanong sa dalawang bida ng You’re My Boss pero kinailangan na silang i-pull out ng production dahil babalik pa sila sa location. –Reggee Bonoan