Claudine Barretto

MUKHANG tama ang isyu na may problema sa pelikulang pagtatambalan nina Kris Aquino at Derek Ramsay dahil wala na uli kaming nabalitaan tungkol sa proyekto. May narinig kaming rason kung bakit hindi pa masimulan ang pelikula at baka hindi na matuloy kung hindi maaayos ang problema.

Pero may balita namang gagawan ng paraan upang matuloy pa rin ang Kris-Derek project kahit isa na lang sa tatlong co-producers ang magprodyus.

Habang wala pang katiyakan sa Kris-Derek movie, nakarating sa amin na baka mauna pang gawin ni Kris ang movie adaptation ng controversial book ni Julie Yap-Daza na Etiquette for Mistresses. Kung matutuloy si Kris, makakasama niya at kapwa bida si Claudine Barretto sa direction ni Chito Roño. 

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kung totoong tinanggap ni Kris ang project, ibig sabihin, okay lang sa kanya kung naunang i-offer kay Judy Ann Santos ang proyekto. May mga request lang daw si Kris sa story, gaya ng okey sa kanya kung sad ang ending ng karakter niya, kung mag-isa na lang ang karakter niya, basta may redemption.

Samantala, sa Lunes na, March 23, magsisimulang mag-guest co-host ni Bimby sa KrisTV habang bakasyon sa school si Bimby. Tatawaging Kris & Bimby Summer TV ang pagsasama ng mag-ina sa show.

Marami naman ang pumabor kay Kris sa pagre-react niya sa isang basher ni Bimby sa Instagram (IG). Hindi na inisip ng basher ang edad ni Bimby at kung anu-ano ang sinabing masasamang salita.

“May isang sobrang bastos na child abuse na ‘yung mga comment in my previous post, but seriously naaawa na lang ako, sobrang lungkot siguro ng buhay niya para umabot sa point na isang 7 year-old ang babastusin at pagsasalitaan ng kalaswaan. Bilang nanay, maligaya ako kasi mabait, mapagmahal, matalino at masipag ang bunso ko. When I encounter senseless bullying I always re-read & pray this passage Isaiah 54:17 ‘no weapon forged against you will prevail, and you will refute every tongue that accuses you!’ To all my followers, thanks for the resbak! We appreciate the love & concern.” -Nitz Miralles