Nasa 4,656 na mag-aaral sa pre-school sa 79 na day-care center sa Las Piñas ang magmamartsa sa kanilang pagtatapos nang walang gagastusin at libre maging ang kanilang mga toga at souvenir photos.

Alinsunod sa tradisyon ni Mayor Vergel Aguilar ng pagkakaloob ng ayuda sa mga magulang tuwing graduation, sinabi ng alkalde na napakahalaga para sa mga magulang ang makitang tinatanggap ng kanilang mga anak ang una nilang diploma kaya naman ililibre na niya sa gastusin ang mga ito.

Ang libreng graduation ay bahagi ng education program package ng siyudad para sa mahihirap. Saklaw nito ang libreng toga, souvenir photos at pagkain sa graduation rites para sa lahat ng magtatapos sa pre-school, elementarya at high school.

“Providing basic education is my administration’s policy. Every underprivileged student will get the full benefit under the program. They are provided with quality education similar to those of the private schools. All these free of charge,” sabi ni Aguilar.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ang mga mag-aaral sa mga day-care center sa 20 barangay ng lungsod ay libre sa matrikula, uniporme at nakikinabang pa sa regular feeding activity ng mga nutritionist. Ang Barangay BF International (CAA) ang may pinakamaraming magtatapos ngayong buwan, na may 679 na pre-schooler.

Dahil sa nasabing adbokasiya ni Aguilar ay tumanggap ang pamahalaang lungsod mula sa Council for the Welfare of Children ng pagkilala bilang Most Child-Friendly City.