NUEVA ECIJA - Hindi nagawang makatakas sa kamay ng batas ang tatlong malaon nang pinaghahanap sa sunud-sunod na manhunt operation ng pulisya sa tatlong bayan sa Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, unang naaresto sa bisa ng warrant of arrest si Ronald Alarcon y Bendiola, 27, binata, truck helper, ng Barangay Betis, at pampitong wanted sa Aliaga. Akusado siya sa paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Arestado rin sina Ediemer Fajardo y Quintero, 20, ng Bgy. San Pedro, Gen. Tinio, at ikasampung wanted sa Gapan City; at Ricardo Pangan y Torres, 59, magsasaka, may asawa. - Light A. Nolasco

National

Romualdez sa SONA ni PBBM: 'I'm sure it will be an excellent one'