CAPAS, Tarlac— Nagkapasa-pasa ang mukha at katawan ng isang ginang sa Barangay Cut-Cut 1st, Capas, Tarlac nang gulpihin siya ni mister na umuwing walang dinatnang pagkain sa bahay.

Sa ulat ni PO1 Jonalyn Sain, investigator-on-case, kinilala ang biktima sa palayaw na Lisa, 33, habang ang malupit na mister ay si Jun Felix, 34, na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262.

Bandang 8:00 ng gabi ay sinundo ng biktima ang asawa sa isang inuman. Nang dumating sa bahay ay walang nadatnan na pagkain si mister kayat nagwala ito at binugbog ang misis.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm