MIAMI (AP) – Nakuha ni Dwyane Wade ang huling rebound malapit sa baseline at ibinato ang bola pataas sa pagkaubos ng oras, isang eksenang katulad ng final play ng kanyang unang NBA Finals.
Hindi ito 2006.
Ngunit walang dudang ibinabalik ni Wade ang panahon.
Naitala ni Wade ang 15 sa kanyang 32 puntos sa fourth quarter, kabilang ang isang jumper may 13.6 segundo ang natitira upang basagin ang tie at tulungan ang Miami Heat na talunin ang Portland Trail Blazers, 108-104, kahapon.
‘’This is what I love to do,’’ saad ni Wade. ‘’This is the fun part of this game. I mean, obviously the last couple years I had to do what I had to do for that team. But now for this team I get to be a little bit back to my usual self, having the ball. I’m not going to do it right every time, but I like my chances most nights.’’
Nangunguna si Wade sa NBA pagdating sa fourth-quarter scoring ngayong season, may average na 7.3 puntos. Naghabol ang Miami sa 11 sa second half, ngunit nakapag-rally at naka-akyat sa No. 7 spot sa Eastern Conference playoff race.
‘’He just understands the moment right now,’’ ani Heat coach Erik Spoelstra. ‘’We don’t have to talk about it. Here’s the ball - make the play for the team.’’
Gumawa si Luol Deng ng 24 puntos sa kanyang 4-of-4 shooting mula sa 3-point range para sa Miami, na nakakuha rin ng 20 puntos at 11 assists mula kay Goran Dragic at 12 puntos kasama ang 10 rebounds mula kay Hassan Whiteside.
Pinangunahan ni LaMarcus Aldridge ang Portland sa kanyang 34 puntos at 12 rebounds. Umiskor si Damian Lillard ng 17 habang nagdagdag si Arron Afflalo ng 15 para sa Trail Blazers, na nalaglag ng kalahating laro sa likuran ng Houston para sa karera sa ikatlong puwesto sa Western Conference.
‘’They picked up the pressure defensively in the second half,’’ ayon kay Blazers coach Terry Stotts. ‘’Miami played very well, particularly at the offensive end.’’
Umiskor si Aldridge may 1:35 nalalabi upang maitabla ang laro.
Matapos mablangka ni Whiteside ang attempt ni Robin Lopez, nakuha ni Aldridge ang offensive rebound at nakaiskor sa huling 52.1 segundo upang iangat ang Blazers sa 104-102.
Ngunit hindi naman nagpadaig si Wade.
‘’I’m just doing whatever I can to help my teammates,’’ sambit ni Wade.