Marso 20, 1995 nang magsagawa ng gas attack ang kultong Aum Shinrikyo (Supreme Truth) na nagkaroon ng libu-libong tagasuporta sa Japan, sa Tokyo Subway System, na ikinamatay ng 12 katao at mahigit 5,000 ang nasugatan.

Sa nakalipas na mga araw, nadiskubre ng mga pulis sa Tokyo kung sino ang naglagay ng kemikal, at tinunton nila ang mga kriminal habang libu-libong checkpoint ang isinagawa sa buong bansa.

Sinubukang salakayin ng awtoridad ang mga pugad ng kulto sa buong Japan, ngunit nabigo silang maaresto si Shoko Asahara. Sa paanan ng Mt. Fuji, nadiskubre nila ang tone-toneladang kemikal na ginagamit sa paggawa ng sarin gas. Naaresto ang kanilang pinuno na si Hideo Murai, ngunit namatay kalaunan nang saksakin ng hindi kilalang salarin.

Mayo 16, 1995 nang matagpuan si Asahara at naaresto sa isang sekretong silid na matatagpuan sa Mt. Fuji.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Sarin gas, na ipinakilala ng Nazis, ay isa sa mga nakamamatay na nerve gases.