Pinagtibay ng Special Committee on Southern Tagalog Development ang panukalang Southwestern Tagalog Region na tatawagin bilang MIMAROPA Region (MR).

Batay sa Committee Report 582 ng HB 5511, ang MIMAROPA Region ay bubuuin ng mga lalawigan ng Mindoro Oriental, Mindoro Occidental, Marinduque, Romblon at Palawan, kabilang ang mga siyudad ng Calapan at Puerto Princesa.

Ang HB 5511 ay kapalit ng orihinal na HB 4295 na inakda ni Rep. Josephine Y. Ramirez-Sato.

Sinabi ni Rizal Rep. Isidro S. Rodriguez, Jr., chairman ng komite at isa sa mga may-akda, na layunin ng bagong rehiyon na maisulong ang “efficiency, economy and greater impact in the delivery of government services to the region.”
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!