Umaasa si Mexican Hall of Fame trainer Nacho Beristain na magreretiro na sa boksing ang pinakamahusay niyang alagang boksingero na si four division world champion Juan Manuel Marquez, ngunit pinalutang ni strength at conditioning coach Angel “Memo” Heredia na puwede itong sumabak sa ikalimang laban kay WBO welterweight titlist Manny Pacquiao.

Edad 41 na si Marquez na huling lumaban noong Mayo 2014 nang talunin niya si Mike Alvarado sa 12-round unanimous decision sa The Forum, Los Angeles, California para maging mandatory contender ni Pacquiao.

Ngunit iniwasan ni Marquez na hamunin si Pacquiao na tinalo niya via 6th round knockout noong Disyembre 2012 bagamat maraming nagdududa na gumamit siya ng performance enhancing drugs (PEDS) sa tulong ni Heredia.

“I’d rather see Marquez retire, to announce his retirement and cater to his family in the way they deserve. He’s put in 22 years of work,” sabi ni Beristain ESPN Deportes. “The affection I feel for him is not the kind of a trainer and a fighter, it is something greater. He is my role model, a very humble and generous boy.”

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ngunit sa panayam ni Ryan Burton ng BoxingScene.com kay Heredia, ipinahiwatig nito na posibleng maglaban sina Pacquiao at Martes sa ikalimang pagkakataon kung magwawagi ang Pilipino kay Mayweather. Nakatawa pa siyang ipinagmalaki na batambata pa si Marquez.

“Oh, yeah, he’s a young guy. He’s a 41-year-old man in a 35-year-old kid’s body,” sabi ni Heredia sabay paliwanag na wala nang makalaban si Marquez. “Probably so. I think so (Pacquiao-Marquez V),” giit ni Heredia. “Yeah because obviously we know (Miguel Angel) Cotto is with Roc Nation and a lot of great fighters are with Al Haymon now. So if you really look at the options they are limited.”

“What other options does Marquez have? If they fought today a lot of people are going to say ‘I’m not going to buy the 5th fight yet they are all going to watch it,” dagdag ni Heredia. “It’s a tremendous fight and everyone would want to see it.”