Isang babae ang dinampot ng mga tauhan ng Enforcement and Security Services (ESS) ng Bureau of Customs (BOC) na nanloloko sa modus operandi nitong pagbebenta ng mga puslit na kalakal mula sa bureau at tumatakbo sa sandaling magbayad ang binibiktima nito.

Kinilala ang suspek na si Mary Grace “May” Santos, 58, na naaresto sa loob ng BOC compound pagkatapos na positibong ituro ng kanyang biktima na nagbigay ng P9,250 cash kapalit umano ng 20 piraso ng mga nakumpiskang cellphone mula sa BOC ngunit hindi na bumalik ang suspek matapos makuha ang pera.

“Please be reminded that all of the seized items up for sale by the Bureau are coursed through our auction department and will be auctioned off not on a piece-meal basis but by shipments or bulk. You cannot just got to the BOC and buy seized items,” pahayag ni BOC ESS Director Willie Tolentino.

Inihahanda na ng BOC ang mga kasong swindling at estafa laban sa suspek. - Mina Navarro

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez