Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan— Nanawagan kahapon ang mga residente ng bayang ito sa Senado na maisalang sa Senate inquiry ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay ng black sand mining sa coastal areas ng Lingayen.

Nais ng mga nagrereklamo na matukoy kung may pananagutan ang DENR sa kawalan ng aksyon nito sa umanoy iligal na pagmimina at hindi pagkilos sa mga nakaimbak pang black sand.

Nitong Huwebes tumungo ang grupo ng agriculture stakeholders sa Senado para hilingin na maisalang sa imbestigasyon ng Senado ang matagal nang kontrobersiya sa black sand mining sa Pangasinan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang paghahain ng letter of request sa Senado sa tanggapan ni Senator Loren Legarda, chairperson of the Senate Committee on Environment and Natural Resources ay pinangunahan ni Engr. Rosendo So, pangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura.

Nakasaad sa sulat na ang illegal black sand mining ay naganap noong 2011 at ang mga heavy equipment and black sand separator na ginagamit sa quarry ay nasa Barangay Malimpuec. Nagtatanong ang mga residente kung bakit hindi pa kinukumpiska ng DENR ang mga kagamitan at mga nakaimbak na black sand.

“We would like the Senate to investigate what really happened and look into why the DENR sat on this case and if the DENR has any liability,” pahayag ni So.

“The groups ask why is it DENR has not taken any action and they proposed the immediate demolition of the wall surrounding the proposed 18-hole golf course area where the illegal magnetite mining happened,” dagdag niya.

Pinatitingnan din sa DENR ang ECC na naisyu sa golf course project noong 2013, dahil mukhang hindi kasama ang 3-kilometer concrete wall na natatakpan ang tanawin ng dagat.

“That is not covered by the Environmental Clearance Certificate issued for the golf course project. It also does not have any mayor’s permit. But the DENR has yet to demolish it,” hirit pa ni So.

Naniniwala ang mga residente na habang nariyan ang kongkretong bakod ay posibleng may nagaganap pang black sand mining sa kanilang lugar.